top of page
  • Myra de Villa

View from the mountain: Galing sa masa, para sa masa

KARINYO NI DUDIRTY: 69 (Baliktaran) BEBE GALING SA MASA, PARA SA MASA🤤🤤🤤 •Galing sa masa - college student pa lang daw sya ay milyonaryo na. So papanong masa kung milyonaryo pala sa murang gulang? Halos lahat ng negosyo sa Davao ay pag-aari ng DU30 family. Maraming ari-arian at me bilyong kwarta sa banko (Kung di ito totoo di ba dapat patunayan nya? Kung legal naman ito di ba ilalabas nya? Trillanes did it so bakit di magawa ni DU30?). Hindi porke't squatter ang pagmumukha, sya ay galing na sa masa! •Para sa masa - Si GMA, BBM, ALVAREZ, PACQUIAO, BONG GO BILYONARYO, JINGGOY, PIMENTEL, SOTTO, GORDON, NAPOLES, Chinese Druglords at kung sino sino pang mga masasamang tao ang pinagsisilbihan nya. Masa po ba sila? Ang mga jeepney drivers na totoong masa, ano ang sinabi nya? "Mahirap kayo, magtiis kayo!" Makamasa nga po sya, ano? Kumusta naman kayong mga totoong masa? Umasenso na po ba ang mga buhay ninyo? Yong totoo po...tanungin nyo po mga sarili nyo! Ayon sa datos dumami (2 tupi po) ang mas mahihirap simula nang si DU30 ang umupo... Di ba dapat mas kumunti kasi makamasa na ang presidente? WAR ON DRUGS🕵 •Sino po ang mga biktima? Di po ba mga masa? Sabi nyo ok lang na patayin ang mga adik at pusher...pero paano po kung kayo ang napagbintangan? Paano kung anak nyo, asawa, nanay, tatay o kapatid ang na-EJK (extra judicial killing)? Hindi kayo natatakot kasi wala naman kayong kinalaman sa drugs? Si Kian po wala ding kinalaman pero pinatay sya. Paano kung anak nyo sya, ok pa rin ba sa inyo? Papaano nyo nasasabing adik ang isang na-ejk kung di naman napatunayan at basta na lang pinatay? Ang mga biktima ng ejk ay mga inosente dahil hindi sila napatunayang nagkasala kaya maituturing na sila ay gaya nyo rin na walang kasalanan. 20,000 na po ang pinatay nang walang kalabanlaban. Yong mga taong nakasaksi sa mga pangyayari ay biktima ng karahasan. Papaano ang kinabukasan nila lalo na ng mga kabataang namulat sa karahasan? Sila ay magkakaroon ng kapansanan sa pag-iisip at karamihan sa mga murderers sa buong mundo ay sa kadahilanang me sira sa pag-iisip. Sa tingin nyo po paglaki ng mga bata ay maibabalik pa sila sa normal? Yong mga adik ay karaniwang merong emosyonal na problema kaya sila nalululong. Di po ba dapat na tulungan sila sa kanilang problema para sila ay maging maayos na mamamayan imbes na katayin sila na parang mga galang manok sa lansangan. Nasaan ang pagiging mabuting tao nyo lalo na kayong mga palasimba at maka Dyos kuno? Nasaan ang pagiging makatao nyo kung pagkamatay ng kapwa nyo ay pinapalakpakan nyo? Sana mapag isip-isip nyo na kahirapan ang totoong dahilan ng problema at ang droga ay daan lang nila para takasan ang kanilang mga problema. Sila din po ay mga biktima! •Sa pagsugpo sa droga, di ba dapat yong druglords na nagsusupply ang dapat na matuldukan? Ayon sa datos ng PDEA, China ang biggest source (pinanggagalingan ng droga) pero bakit si DU30 ay pinaiikutan ng insik? Insik ang donors nya sa kampanya, insik na mga druglords sa piitan ay pinakawalan nya, insik na smugglers at druglords ang mga katropa nya at ng mga anak nya. Mga Insik ang sinisilbihan nya at insik din ang umagaw ng teritoryo natin pero kahit na ninanakawan ang bayan natin ng mga insik ay bestfriend pa rin sila ni DU30. Kung tunay na galit sya sa droga, di ba dapat galit sya sa mga insik dahil sila ang manufacturer ng droga? Bakit sila bestfriend kung ganon at bakit ang mga walang labang mga Pilipino ang pinapatay? Pag-isipan nyo po yan...bakit nga ba? GALIT SI DU30 SA KURAP...DI NGA? 🙄 •Bakit mga kurap ang nakapaligid sa kanya? Bakit ang mga gahaman at nagnakaw sa bayan ay pinakawalan nya sa bilangguan? Bakit ang mga inaappoint nya ay mga taong kwestyunable ang mga katauhan? Si DU30 mismo ay aminadong nagnakaw din sya sa bayan kaya papanong nagiging totoong anti-kurap po sya kung sya mismo ay kurap? Ang kaban mismo ng Davao ay me nawawalang bilyon bilyon na pondo at yan ay base sa datos ng COA. Ang mga anak nya ay me tig-halos 200 milyon pero wala namang malinaw na legal na pinagkukunan ng pera. Saan galing ang milyones nila? Ang ghost employees ng Davao na umaabot ng libo libo ay isang kurapsyong maliwanag. Ang bilyon ni DU30 mismo ay lumalabas na galing sa drugs money. Hindi nya napapatunayan na legal ang pinanggalingan ng pera ng pamilya nya at ang AMLAC at OMBUDSMAN na dapat ay nag-iimbestiga ay di maka-imbestiga nang maayos dahil dinadaan sa takutan. Kung walang kasalanan dapat na sya mismo ang maglabas ng dokumento para mawala ang alingasngas, di po ba? Lumala ang kurapsyon sa bayan simula nang si DU30 ang maging presidente. Di ba anti kurap sinasabi niya sya so dapat mas bumaba na ang % ng mga kurap, di po ba? PEDERALISMO PARA UMASENSO🤓🤓🤓 •Gaganda daw ang buhay ng mga mamamayan kapag pederalismo na. Papano po mangyayari yan kung ang mga probinsya ay brasuhan na at me mga pahari-hari nang nangyayari? Sa pederalismo wala nang COA na mag-o-audit kaya garapalan na ang magiging sistema. Hindi ba sila mananagot sa audit at sila lang ang magdedesisyon saan gagastahin ang pera ng bayan. Kung ngayon na me nagpopolice ay nakakalusot ang mga hari ng probinsya eh di lalo na kung walang bantay? So papano po na mas gaganda ang buhay ng mamamayan? Ang national police ay magiging state police na so pati police pag aari na din ng mga provincial politikos. Magiging private army na nila so papano gaganda ang buhay ng mamamayan? Sa medical ay palakasan na din. Sa trabaho ganun na din. Pag negosyante ka kailangan mo ng lisensya sa bawat estado/rehiyon -- kapagka kukuha ka ng lisensya bayad ka ng lagay, di po ba? Kapag nurse ka sa Cebu hanggang Cebu ka lang pwede mag-aplay kasi mas uunahin ng estado ang mga nurses nila kaya kung mag-aaplay ang taga labas ng estado ay saka na kung walang makuha sa lugar nila. Limitado ka bilang manggagawa, negosyante, pasyente. Di po ba mas nakasama pa? Papano kung mahirap ang rehiyon mo? Pasensyahan na lang po ba? Pero wag ka mayaman pa din ang politiko nyo! ☆ Lahat tayo hangad natin ang mapabuti ang lagay ng pamilya natin, sarili natin, bayan natin...pero...ang inilalatag ba ng DU30 gov ay sa ikakabuti nga ba natin? Ang maging alipin ng insik ay ikakabuti ba natin? - Sobrang bagsak na ang ekonomiya natin - Baon na tayo sa kautangan - Bagsak ang peso natin na ikakabagsak ng dolyar na reserba natin - Bagsak din ang mamumuhunan natin - Me kinakaharap na kaso sa ICC si DU30 - Me kakalabas lang na datos na nagsasabing banta si DU30 sa demokrasya ng buong mundo - Kapag nagkaroon ng embargong pang ekonomiya, saan po tayo kukuha ng pambayad sa mga interes ng kautangan ni DU30 at pambili ng langis na kailangan para sa pagtakbo ng ekonomiya? Magpapasakal na lang at ipamimigay ang teritoryo at magpapasakop na lang sa China? Alam nating lahat na mismong sibilyan nila ay parang hayop ang trato nila...tayo pa kaya? Akala ko ba ayaw ni DU30 na ipasakop sa dayuhan ang Pilipinas kaya inaaway ang US at ibang kaalyadong bansa? Bakit ngayon ay magpapasakop sa China at iniaalok ang Pilipinas na maging probinsya nito? Anong klaseng pinuno meron tayo? Obligasyon nating lahat na ipagtanggol ang bayan natin pero bakit ang mismong presidente ay ipinapasakop pa tayo? Mahalin nyo sana kahit sarili nyo man lamang. Mahirap ang buhay alipin at alam nating lahat yan! Saan ba galing ang mga galit nyo sa institusyon ng bayan, sa mga taong nagtatanggol sa karapatang pantao, sa mga taong ayaw sa polisiyang ikakasama ng bayan natin? Bakit kayo puno ng muhi? Di ba't inuudyukan kayong maging gago at tanga ng mga taong kung susuriin ay nakikinabang sa kwarta ng bayan? Tingnan nyo ang kanilang posisyon at suriin nyo ang inyong posisyon. Di ba't kapag nagkagipitan, sila ay maayos pa rin samantalang kayo ay di makakakain, maiipit sa kahirapan at walang matatakbuhan? Ginagahasa na kayo ng gahaman, bakit nyo pinapayagan? Pansinin nyo si DU30 -- iba ang sinasabi...pero iba naman ang hinahabi! Makarinyoso nga syang masasabi at bihasa sa 69 na diskarte! Sinungaling sya mare at pare, kaya sana magising na kayo bago maghating-gabi at wag ng magpadale! #ChangeTheScamming #LumabanWagPaaapi


Recent Posts

See All

Dying abroad is never easy

Dying is a messy business, wherever and however one decides to undertake it. It shatters dreams. It scuppers the best laid of plans. It...

welcome to fILIPINO cHRONICLES

 

We hope to see you visit regularly as we update these pages with thought provoking, informative and entertaining pieces.  If you have anything worth sharing with out wider audience, please kindly let us know.

 

filipinochronicles@gmail.com

UPCOMING EVENTS: 

 FOLLOW FILIPINO CHRONICLES
  • Facebook B&W
  • Twitter B&W
  • Instagram B&W
 RECENT POSTS: 
 SEARCH BY TAGS: 
bottom of page