top of page
  • Myra de Villa

View from the mountain: Buksan ang isipan, tayo'y magtulungan



Nakakaba hala na pati ang Benham Rise ay napasakamay na ng mga dayuhang intsik. Hindi ka pa ba nakakagising, sa iyong kahibangan? Simple lang naman ang aritmitik ni DU30. Gaya ni Macoy ginagamit ang build, build, build para makautang ang Pinas. Si Marcos noon ay sa Singapore at World Bank/IMF umutang na mas me mababa yang porsyento ng interest pero itong si DU30 sa China umutang na doble at triple ang interest. Walang paki si DU30 na makasave sa loan interest dahil ang termino nya ay 6 na taon lang kaya't sya ay nagmamadali. Kung sa WB or IMF sya mangungutang ay panigurong mabusisi dahil hindi pauutangin kung ang Pilipinas ay walang kapasidad na magbayad. Parang bangko lang yan na kung di ka papasa sa credit check ay di maaprubahan ang loan request mo kaya ang sistemang tatakbo ang mangungutang sa bombay na 5/6 ngunit ang masaklap ay gahamang Chinese ang kanyang natakbuhan. Makakautang agad sa mataas na interes at wala ng credit credit check. Hindi naman kasi si DU30 magbabayad nyan kundi mamamayan. At kapag ang project ay itatayo na, akala nyo ba mapupunta sa Pinoy ang trabaho? Ang loan ay nakatali po yan sa kasunduan na Chinese din ang makakakuha ng proyekto kung kaya't mga Chinese din ang mga magiging trabahador neto. Ang posibleng tanong ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS)... 1. Eh so what kung nangutang at para naman yan sa bayan at ipapagawa ng mga inprastraktura. Eto po ang katotohanan...sa bawat loan na maapruba ng lender (China) meron pong tinatawag na referral fee. Magkano? Usually nasa 10-15% yan. 2. Kanino mapupunta ang referral fee? Sa Poong nasiraan po pero me ibang tao (agent) sya na makikipagdeal sa lender. Di nyo ba napapansin na napapaikutan ng Chinese si DU30? Sana matanung nyo ang sarili nyo sa temang to. 3. Eh lahat naman ng politiko eh merong ganyan. Hindi po lahat ng politiko ay me ganyan. Merong matitinong politiko at me malinis na hangarin gaya ni PNoy na nagsilbi ng tapat sa Inangbayan. Kung di ka sang-ayon dito isa lang ang ibig sabihin nyan...nalinlang ka ng fake news ni Mocha Uson pero sana buksan nyo ang inyong isipan at isipin naman ang sarili nyo dahil sama sama tayong biktima ng kurapsyon na ito kapag lumubog ang bansa natin kasama po kayo sa lulubog. 4. Antanga naman ng China para magpautang kung di pala mababayaran. Hindi po tanga ang China. Sila po ay matalino dahil naipapanalo nila si DU30 sa stratehiya nilang ginamit. Dahil dito natupad ang matagal na nilang mithiin...ang maangkin ang mga islang di nila makuha kuha sa legal na paraan. Napapansin nyo ba kumbakit right away ay backdown si DU30 sa Spratlys at Scarborough at ngayon naman ay ang Benham Rise? Ito ay sa kadahilanang ginamit ni DU30 ang mga isla natin bilang bayad utang na loob sa China sa paglagak sa kanya sa posisyon nya. Halata namang me deal sila at ang mga intsik ay mas nakaungos pa dahil magagamit nilang garantiya sa mga loan ang mga isla just in case na di nga makabayad ang Pilipinas. Kahit saang anggulo tingnan, hindi natin kayang bayaran ang mga loans na yan. Sa economics me tinatawag tayong GDP (basehan ng kita ng bansa) at kinakalkula yan ng mga analyst para malaman kung hanggang saan lang ang makakayang bayaran ng isang mangungutang na bansa. Kahit na nakikita natin na mataas na ang GDP ng Pilipinas ito ay balewala kung baon naman tayo sa kautangan. Sa datos ng mga analyst, hindi natin mababayaran ang 3.4 Billion $ na mga inutang ni DU30 just for 18 months dahil me existing pa tayong 3.7 billion $ na pinagsamang kautangan mula ke Marcos hanggang ke GMA! Alam ng China to kung kaya't sila ay natutuwa sa deal nila ni DU30 kasi later on ang Pinas ay gigipitin nila (gaya ng panggigipit ng China sa Venezuela at iba pang bansa na nasa parehas na sitwasyon) mapipilitan ang Pilipinas na magsettle out of court sa pamamagitan ng pagbitiw sa mga isla natin. Yan ang magiging kabayaran ng pagiging kawalang paki ninyo sa bayan natin. 5. Bakit naman pumapayag ang mga Senador at Congressman sa ganitong kalakaran? Dahil na natitirang 85-90% sa loan ay me cut din ang Congressmen at Senador na kaalyado ni DU30. Di ba nga't nananakot pa si Alvarez na ang kokontra sa gusto nila ay zero budget? Hawak nila ang majority at bakit nangabilang bakod ang mga dating LP members? Dahil sa pera! 6. Eh marami namang mga inprastraktura na naiwan si Marcos ah, so hindi totoong nangurakot sya. Tama me mga inprastraktura nga pero naisip nyo ba kung ilang porsyento na lang ng inutang sa lender ang ginamit para ipagawa ang naturang mga proyekto? Di ba dapat na kung 3.4 Trilyon pesos ang inutang eh sya ding dapat na igastos sa mga proyekto? 7. Malay natin na yon nga ang gagamitin. Unang unang nakuha na nga ng mga kurap sa itaas ang halos kalahati ng inutang bago pa ito makarating sa tamang ahensya (reference to read 'Confession of an economic hitman') well known ang kalakarang ito sa mga ekonomista . Ibawas mo pa jan ang cut naman ng mga ahensya na mag implement ng project so ilan na lang matitira? Oo lalabas na ang proyekto ay ginastusan ng 3.4T pesos pero actual ba yon o dinoktor na? 8. Papano mo nalaman na ganyan ang mangyayari? Dahil si DU30 mismo ay aminado na nagnakaw din sya, yon nga lang ubos na daw. Since magnanakaw na talaga sya at lalo ubos na ang ninakaw...magnanakaw ulit yan! Bobo at tanga lang ang hindi makakabasa ng mga galaw ni DU30. Imulat mo ang yong mga mata, magsaliksik ka gamit ang makatotohanang impormasyon. Alisin mo ang pagiging loyalista mo sa politiko at makikita mo rin ang nakikita namin. 9. Siniseryoso nyo mga salita ni DU30 eh joke lang yan. Unang-una hinalal sya na presidente para maging head of state at hindi maging joker. Ang isang presidente ay nararapat na seryoso dahil buhay ng mamamayan ang nakataya dito. Buhay mo, buhay ko, buhay ng mga kabataan at buhay ng Inangbayan. Magiging maayos ba ang iyong pamumuhay kung idadaan mo sa pajoke joke ang iyong trabaho? Mahirap ang bansa natin, marami tayong problema lalo na sa kahirapan. Kailangan natin ng leader na maaasahan! Mag-isip ka sana kabayan dahil ang problema ng bayan ay seryosong bagay kaya nangangailangan ng seryosong solusyon. Si DU30 ay kurakot at ginagamit nya kayo para sa pansarili nyang interes. Kung totoong di sya kurap at malinis ang kanyang pagkatao simple lang paano ito pabulaanan...hikayatin nyo sya to sign the waiver pronto! 10. Bakit si PNoy at mga dilawan di mag-sign the waiver? Hindi po sila ang presidente ngayon at hindi din sila ang inaakusahan na me pag aaring bilyon bilyon sa banko. Hindi sila ang nasa kataas-taasang posisyon na me power sa pangkabuuang pamamahala. Ang pagtuturo ng daliri sa mga nasa oposisyon ay hindi ikakalinis ng pangalan ni DU30. Ang kwestyunableng katauhan ni DU30 ang problema at sya lang ang makakalinis nito sa pamamagitan ng pagbukas ng kanyang mga account sa bangko. 'Kung walang tinatago bakit hindi nya buksan ito' yan ang paraan para tigilan na sya ng mga nag-aakusa sa kanya. Hangga't di nya yan ginagawa ay patuloy ang paniniwala ko at ng mga matitinong mamamayan na totoo ang paratang sa kanya. Eto naman ang tanong ko sa mga DDS... 1. Simula nang manalo si DU30, naging maayos ba ang buhay mo bilang isang ordinaryong mamamayan? 2. Pag-unlad ba ng bayan ang pagkakalubog ng bayan sa ganito kalaking kautangan? 3. Kung maayos ang pamamahala ni DU30, bakit tinaasan ang buwis ng mga pangunahing bilihin? 4. Kung maayos ang pamamahala ni DU30, bakit kailangan nyang magbayad ng mga propagandist para pekein ang mga datos, magpalabas ng mga fake news para pabanguhin ang pangalan nya. Ibig sabihin neto nangangamoy bulok sya kaya't kailangang tabunan ng kapekean para di mahalata ng mga tagasuporta nya. 5. Kuntento ka na ba sa ganito kagulong buhay ng bayan mo? Sa mga kabastusan, kasamaang asal, murahan, pagkakahati ng sosyedad, kawalang dereksyon ng bayan at higit sa lahat patayan? 6. Kuntento ka na ba na makita ang karangyaan ng pamilya ni DU30, maging dalagitang apo, at sampo ng mga alipores nya habang ikaw ay halos hindi na makapamuhay ng maayos? 7. Ano ang mararamdaman mo kapag lahat ng mga trabaho sa Pilipinas ay China na ang amo? Na mawala ang mga pag-aari mo dahil naipangako ni DU30 sa China ang bayan mo? Na mawalan ka na ng karapatan sa pamamahay mo? Na matulad tayo sa Tibet na parang nakataling tuta ng China? 8. Masaya ka ba sa pagiging tanga mo? 9. Sa mga OFW, naging mas maayos nga bang talaga ang buhay mo at ng pamilya mo? Di ka ba nababagabag na baka isang araw makatanggap ka ng tawag na natokhang ang kamag-anak mo? Na kapag nag apply ka ng bagong passport mo ay di ka makakakuha dahil ang dating maayos na proseso ngayon ay pinaghaharian na ng mga agencies na kinayayamutan mo? 10. Nakausap mo na ba ng masinsinan ang sarili mo para analisahin ang mga pangyayari? Hindi ka ba nababahala ano ang mangyayari sa bansa natin 5 to 10 yrs from now? Paano ang mga anak nyo pagdating ng araw? Binibenta tayo ni DU30 pero wala kayong paki? Me panahon ka pang magbago kabayan, me panahon ka pang bumawi at maging tunay na makabayan. Tayo lang na mga mamamayan ang makakapigil sa pagkakahulog natin sa bangin. Sana mapag isipan nyo nang mabuti ito. Hindi tayo magkakaaway, dapat pareho tayong me paki sa Inangbayan subalit kayo ay nasa dilim at nalinlang ng gahaman. Buksan mo ang iyong isipan, kahit para man lang sa sarili mong kapakanan. Pakiusap gumising ka naman kabayan! 👏👏👏

Recent Posts

See All

Dying abroad is never easy

Dying is a messy business, wherever and however one decides to undertake it. It shatters dreams. It scuppers the best laid of plans. It...

welcome to fILIPINO cHRONICLES

 

We hope to see you visit regularly as we update these pages with thought provoking, informative and entertaining pieces.  If you have anything worth sharing with out wider audience, please kindly let us know.

 

filipinochronicles@gmail.com

UPCOMING EVENTS: 

 FOLLOW FILIPINO CHRONICLES
  • Facebook B&W
  • Twitter B&W
  • Instagram B&W
 RECENT POSTS: 
 SEARCH BY TAGS: 
bottom of page