- Candy's Cham Clowder
Ang SALN issue, Quo Warranto & banta sa Judicial Independence... Sa Madaling Salita
MAY NAGTANONG sakin kagabi tungkol sa exchange ni Justice Caguioa & Atty. Poblador na na-ulat sa Rappler kahapon. Kung puede daw i-explain sa mas basic na lingwahe. Ito ang sagot ko: Ok ganito yun. Si Calida, nag petition ng quo warranto sa SC para tanggalin si CJ. Ang quo warranto ay isang aksyon na puedeng gamitin para macheck kung tama nga ba ang pag-appoint sa isang public official. Minsan kasi kulang sa qualification ang na-aappoint, o di kaya hindi nya kaya ang trabaho. So puede sya i-QW within 1 year of appointment para ma-evaluate kung tama nga ba ang pag-appoint sa kanya at kung kailangan, alisin sya sa puwesto. Isang qualification para sa justice ng SC ay "integrity." Nasa Constitution yan at nasa rules din ng JBC. Ang sinasabi ni Calida ay kulang sa integrity si CJ kasi hindi daw nya nai-file lahat ng SALN nya. Ito ang sagot ni CJ: "Nag file ako. Lahat ng SALN na kailangan ko i-file, I filed." Pero nawala na yung iba. Pati sa UP di na nila makita kasi matagal na yun. Plus lumipat ng bahay si CJ several times at nag-abroad pa minsan, so nagkalat na ang mga papeles nya. Pero ito yung importante: hindi ibig sabihin na porke nawawala ang SALN ay hindi sya nag file. Nag file sya pero ngayon, dahil matagal na yun, di na nya mahanap ang mga kopya. Ito pa: ang mga SALN ay ginagamit lamang sa pagsusuri sa lifestyle ng isang public official. Hindi kailangan na lahat ng SALN ay available. Ang mahalaga ay mayroong sapat na nai-file upang makita kung may pattern ng ill-gotten wealth o wala. Sa kaso ni CJ, wala namang nagsasabi na nagnakaw sya sa bayan. Kahit ang SolGen, walang bintang na may ill-gotten wealth sya. Di katulad ni CJ Corona nuon na nahanapan ng over P200M at mga ari-arian na di declared sa SALN. Ibang-iba talaga ang kaso ni Corona, di ko alam kung bakit pilit na ikinokompara. May 2 basic & importanteng principle sa batas: (1) "presumption of innocence" & (2) "burden of proof is on the accuser." Samakatuwid, si Calida ang kailangan magpatunay na hindi nag file si CJ ng SALN. Paano nya papatunayan yun, e may certification si CJ from UP Human Resources Dept na cleared sya sa lahat ng requirement at accountability? So ibig sabihin nakacomply si CJ sa lahat ng requirement ng posisyon nya bilang faculty ng UP habang nagtuturo sya dun. (Natalakay ito sa oral arguments.) Hindi ibig sabihin na hindi nag file dahil lang nawawala ang kopya. May mga nag file ng income tax pero 10 years later di na mahanap yung ITR di ba? Ganun lang yun. Yung ID mo nung Grade 5 ka, andyan pa ba? A nawawala? Ibig sabihin ba kagad nun hindi ka nag-enrol? Ang labo di ba? Ok. So si Calida is trying to say na sinadya ni CJ na hindi mag file ng SALN kasi daw nawawala ang kopya. Ngayon gumagawa sya ng koneksyon between yung nawawalang kopya ng SALN & lack of integrity. Sinasabi nya "Ayan, kulang ang SALN, ibig sabihin di sya talaga nag file. Wala talagang integridad yan si Sereno. Tapos pinipilit pa nya na nag file sya. Sinungaling talaga yan si Sereno." Yan ang kwentong kutsero nya. On that basis, nag file sya ng QW sa SC para tanggalin si CJ. Ang posisyon ni CJ ay ganito: "Kung gusto nyo ko tanggalin sa puwesto, di puedeng QW kasi maling aksyon yan. Bakit? "(1) Impeachable officer ako, so ayon sa Constitution, dapat sa Senado ako litisin. (2) Tapos na yung 1 year period kung saan puede mag file ng QW. 2010 pa ako inappoint sa SC, 2012 pa nung inappoint ako na CJ. 5 years na nakalipas, paso na ang QW. (3) Ang Senado lang ang may jurisdiction sakin, hindi ang SC. Kaya di ko kikilalanin ang QW petition na ito." May iba pa syang argument pero yan yung key points. Ang sinasabi ni CJ, "the QW action is an illegal shortcut para tanggalin ako sa puwesto." Dyan nag focus si Justice Caguioa. Sabi nya, "kung payagan natin itong QW, ibig sabihin magiging bagong patakaran at batas na ito. Kahit sinong justice puede na'ng tanggalin ng SolGen via QW on the basis of a lack of integrity, kahit kapiranggot lang ang ebidensya." Sabi ni Justice Caguioa, "e kung nangopya pala kami nung kolehiyo at madiskubrihan yun ng SolGen puede na s'yang mag QW at patalsikin kami sa puwesto, ganun-ganun lang." He was pointing out the danger of the precedent that would be set kung i-grant ng SC ang QW. Paano na ang judicial independence nyan? Nag-agree dyan si Atty Poblador. Sabi nya kung payagan ng SC ito, kahit sinong justice ay puede na alisin via QW, lalo na yung mga di type ng Presidente. Kasi ang SolGen ay alter ego ng Presidente, so ibig sabihin, lahat ng ginagawa ng SolGen ay may basbas ng Presidente. Kung i-utos nya na i-QW si Justice A o si Justice B, puede na! Lahat ng impeachable officer puede na'ng patalsikin via QW! Hindi yan ang purpose ng mga bumalangkas ng Constitution. Ayaw nila ng shortcut. Ang nais nila ay gawing mahirap ang proseso ng pagtanggal sa mga impeachable officer para hindi sila basta-bastang guluhin ng kung sinumang ayaw sa kanila. Ito ay upang maging stable ang takbo ng gobyerno. Kasi imagine, kung ang presidente, VP, Ombudsman, justices of the SC, etc. ay puede tanggalin via QW e ang dami na'ng nag file di ba? Plus wala sa powers ng SC ang pagpapatalsik sa kapwa nilang justice. Hindi rin ito trier of facts. So yung SALN issue, kasi question of fact ito (whether nag file nga sya o hindi), di dapat sa SC nililitis. Dapat sa Senado. Questions of law lang ang puede dalhin sa SC. Ayon sa batas, walang kapangyarihan ang SC magpatalsik ng impeachable officer. Yan yung sinasabi ni Atty. Poblador dun sa last paragraph ng Rappler article. Napakabigat ng magiging epekto sa hudikatura ng pag-grant ng QW. Matatakot na ang mga huwes na mag desisyon kontra sa gobyerno dahil puede silang agad patalsikin. Puede rin puntiryahin ng Ehekutibo ang sinumang huwes o Justice na sa tingin nila ay hadlang sa agenda nila. Ganun po kahalaga ang Quo Warranto issue na ito. Hindi lang si CJ Sereno ang involved kundi ang buong judiciary at justice system natin. Tayo po ay apektado din dito. Nakakalungkot na yung Biased 5 (de Castro, Peralta, Bersamin, Jardeleza, Tijam) ay sang-ayon sa QW, pati na rin daw si Justice Martires. Bakit kaya yung unang mga dapat dumepensa sa Konstitusyon at sa batas ay yun pa'ng unang bumbaluktot dito? Di ko mawari. Siguro po kailangan silang paaalahanan ng taongbayan, ano po? Nasa atin naman ang soberenya ayon sa Saligang Batas. Wag na po tayo manahimik, bagkus makilahok na sa mga pagkilos ukol dito. Magsalita, manawagan, mag-ingay...Yan ang karapatan ng bawa't Pinoy. Maging tapat na mamamayan po sana tayo at depensahan natin ang judicial independence. Ang laban ni CJ ay laban ng bawa't Pilipino. https://www.rappler.com/…/200013-sereno-supreme-court-oral-… #QuoWarrantoIbasura #ItigilAngPanggigipit #LabanCJ #SConTrial#KatotohananKatuwiranKatarungan
Recent Posts
See AllDying is a messy business, wherever and however one decides to undertake it. It shatters dreams. It scuppers the best laid of plans. It...